Ang Limang Patakaran sa Pangungutang

http://www.123rf.com/clipart-vector/give_hand.html




Ito ang ating dapat tandaan kung tayo ay nagnanais mangutang ng pera sa ating kapwa:


1. KAPALAN ANG MUKHA.

Hindi lang naman pera ang pakay natin dito.  Kapag nangutang tayo ng pera, para na rin natin hinihingi ang tiwala ng pinag-uutangan natin.  Tiwala na sa ating pangungutang, magbabayad tayo.


2. MAGBIGAY NG ARAW KUNG KAILAN BABAYARAN ANG UTANG.

Ang nangungutang lang kasi ang makapal ang mukha.  Karamihan sa atin na pinag-uutangan, nahihiyang maningil.  Kaya magbigay tayo ng petsa kung kailan natin ito mababayaran.  Para naman isahan lang ang paniningil ng ating mga inuutangan.  Isa rin itong patnubay na may intensyon tayong bayaran ang hiniram nating halaga.

3. TUMUGON SA PETSA NA IBINIGAY.

Huwag na natin hintayin maningil ang taong pinag-uutangan natin.  Kung makakabayad tayo nang mas maaga, abay mas maganda!  Kung hindi naman, maniguradong makakabayad tayo sa petsa na pinangako natin.  Kapag ito ay nagawa, senyales ito na tayo ay isang taong mapapagkatiwalaan.  At kung tayo ay mapapagkatiwalaang tao, siguradong makakautang pa tayo ulit!  Huwag na tayong puro salita at paasa, ito ay ating gawin.

4. MAGBAYAD NANG MALUWAG SA KALOOBAN.

At kung nagkataon na hindi tayo makakabayad sa petsa na ating itinakda at naniningil na ang ating pinagkakautangan, natural lamang na magbayad tayo --- na maluwag sa ating kalooban.  Huwag mag galit-galitan at nakakahiya naman.  Huwag mag tagu-taguan kasi hindi naman tayo naglalaro lang.  Hihintayin pa ba nating tayo ayo sugurin?  Tiyak ito ay malaking kahihiyan din!

5. MAGPASALAMAT.

Gaya nang una kong sinabi, binabase iyan sa tiwala.  Kaya magpasalamat tayo di lang sa pera na inabot sa atin, pati na rin sa tiwala na ibinigay.  Magkaroon ng utang na loob.  Huwag naman na pagkatapos ng lahat, pinagsasalitaan na natin sila nang hindi maganda sa kanilang mga likod.



Mga kaibigan, simpleng palatuntunan lang naman ang handog ng ating kasulatan.  Simple pero madalas nating nakakalimutan.  Lahat naman tayo ay nagkakaproblema sa pera at nangangailangan din kung minsan.  Kaya ang minsan na umutang ay naiitindihan. Lalong-lalo na kung ang pinaggagastusan ay dahil sa pinahahalagahan natin ang ating kalusugan!

Kung palagi nalang tayong nangungutang, aba ay ibang usapan na iyan!  Kung utang na lang tayo ng utang, o kaya'y umuutang para mabayaran ang iba pa nating utang, malamang ang problema natin ay hindi pera?  Baka naman ay kung paano tayo humawak ng pera ang may dipirensya? Mag hunos dili tayo kaya?

Ika nga nila, "live within your means."  Matuto tayong mabuhay na tama lang sa ating kinikita.  Huwag nang maging maluho:  Biyahe dito, biyahe doon.  Bili nito, bili niyan.  Gastos dito, gastos diyan.  Ang nakakatuwa pa, ibinabalandra natin ito sa social media kung saan nakikita nang mga taong ating kinukuhanan ng pera.  Minsan pa, ang pinagkukuhanan natin ng pera ay mismong mga tao na ayaw pa natin, mga taong pinagsasalitaan natin ng hindi maganda sa likod nila.  May ikahihiya pa ba?

Bilog and mundo.  Ang pera ay pera lang.  Nakikita rin ito.  Pero ating tatandaan, maraming relasyon ang nasisira nang dahil sa pera.  Ang pera ay pinaghihirapan din.  Kaya maging sensitibo tayo sa pagdala.

We reap what we sow.

Kaya matakot tayo sa karma.

>>> huli <<<




Comments

Popular posts from this blog

Isla Romantica: A Quick Dip

Lexmark: A Company Review