Ang Limang Patakaran sa Pangungutang
http://www.123rf.com/clipart-vector/give_hand.html Ito ang ating dapat tandaan kung tayo ay nagnanais mangutang ng pera sa ating kapwa: 1. KAPALAN ANG MUKHA. Hindi lang naman pera ang pakay natin dito. Kapag nangutang tayo ng pera, para na rin natin hinihingi ang tiwala ng pinag-uutangan natin. Tiwala na sa ating pangungutang, magbabayad tayo. 2. MAGBIGAY NG ARAW KUNG KAILAN BABAYARAN ANG UTANG. Ang nangungutang lang kasi ang makapal ang mukha. Karamihan sa atin na pinag-uutangan, nahihiyang maningil. Kaya magbigay tayo ng petsa kung kailan natin ito mababayaran. Para naman isahan lang ang paniningil ng ating mga inuutangan. Isa rin itong patnubay na may intensyon tayong bayaran ang hiniram nating halaga. 3. TUMUGON SA PETSA NA IBINIGAY. Huwag na natin hintayin maningil ang taong pinag-uutangan natin. Kung makakabayad tayo nang mas maaga, abay mas maganda! Kung hindi naman, maniguradong makakabayad tayo sa petsa na pi...